Recent update

Subscribe to RSS feed

KAHIT MALI ANG PUSO Words by Garry Cruz Music by Edwin Marollano Arranged by Albert Tamayo

May 2nd, 2005 by garrycruz

I

Minsan iniisip ko kung tama ba ito3119207194029s_1

Alam kong di pwede ngunit anong magagawa ko

Pigilan man ang puso ikaw pa rin ang sigaw nito

Wala na yatang papantay sa pag-ibig ko sa’yo

II

Di mo lang alam kung ga’no ako nasasaktan

Sa t’wing iniiwasan mo o pinagtataguan

Ngunit kaya kong magtiis aking naiintindihan

Wag ka lamang lalayo sa piling ko

(koro)

Kahit mali ang puso

Pilit kong tuturuan

Dahil tama ang pag-ibig na nararamdaman

Kung sakali mang di tayo ang magkatuluyan

Sapat na sa aking naging bahagi ka ng buhay ko

huh….oh….

(ulitin II at koro)

(tulay)

At kung maisip mo na ako pala ang mahal mo

Asahan mong hangggang wakas ang pagmamahal ko…..

(ulitin ang koro)

Kahit Mali Ang Puso..

Posted in MY SONGS (LYRICS) | | | 1 Comments

KUNG ALAM MO LANG Composed by Bong Fernandez Arranged by Albert Tamayo

April 27th, 2005 by garrycruz

           4835784314216s         

KUNG ALAM MO LANG

uhu…..yeay…….

Kung pagmasdan ko ang nakaraan

Masasayang larawan ang laman

Lambingan tila ba walang wakas

Pagmamahalang tunay at wagas

Bakit ngayon ikaw ay nag bago

Nas’an na ba’ng mga pangako mo

O kay sakit sa puso’t damdamin

Ang lisanin mo’y kay hirap tanggapin

(KORO) 

Kung alam mo lang 

Pag-ibig ko sa iyo’y walang hanggan

No’n ngayon at kailan man

Limutin kay di ko magagawa

Kung alam mo lang 

Hanggang ngayon ako’y nasasaktan

Bawat araw na mag daan

Umaasang ika’y mag babalik sinta… 

Kung alam mo lang

Mga araw ay hinahanap na lagi pa tayong mag kausap

Noon ako’y sapat na sa iyo

Noo’y sadyang tapat pa ang pag-ibig mo

(Ulitin ang Koro maliban sa kung alam…..)

(TULAY)

At kung mong naising bumalik sa piling ko

Wag mag alinlangan Pag-ibig ko’y sadyang naka-laan sa’yo

(Ulitin ang Koro)

Posted in Uncategorized | | | 2 Comments

KUNG ALAM MO LANG THE ALBUM

April 27th, 2005 by garrycruz

  1. ALA ALA    by Lito Camo
  2. KAHIT MALI ANG PUSO    by Garry Cruz & Edwin Marollano 
  3. KUNG ALAM MO LANG    by Bong Fernandez
  4. BUONG BUHAY KO    by Edwin Marollano
  5. INIIBIG KITA    by Lito CamoGarry_pic_9

* all songs in the album was produced and arranged by Mr Albert Tamayo

Posted in Uncategorized | | | 0 Comments

Next Entries »

Categories

Archives

Meta