Recent update

Subscribe to RSS feed

KAHIT MALI ANG PUSO Words by Garry Cruz Music by Edwin Marollano Arranged by Albert Tamayo

May 2nd, 2005 by garrycruz

I

Minsan iniisip ko kung tama ba ito3119207194029s_1

Alam kong di pwede ngunit anong magagawa ko

Pigilan man ang puso ikaw pa rin ang sigaw nito

Wala na yatang papantay sa pag-ibig ko sa’yo

II

Di mo lang alam kung ga’no ako nasasaktan

Sa t’wing iniiwasan mo o pinagtataguan

Ngunit kaya kong magtiis aking naiintindihan

Wag ka lamang lalayo sa piling ko

(koro)

Kahit mali ang puso

Pilit kong tuturuan

Dahil tama ang pag-ibig na nararamdaman

Kung sakali mang di tayo ang magkatuluyan

Sapat na sa aking naging bahagi ka ng buhay ko

huh….oh….

(ulitin II at koro)

(tulay)

At kung maisip mo na ako pala ang mahal mo

Asahan mong hangggang wakas ang pagmamahal ko…..

(ulitin ang koro)

Kahit Mali Ang Puso..

Posted in MY SONGS (LYRICS) | | | 1 Comments

Categories

Archives

Meta